She’s Leaving

She’s leaving 1
By: Purplegurl

AN:  I would say Communication really plays a big factor in any relationship. Whether its friendship, family or love ones. Pag di nagkausap ang dalawang tao na meron sama ng loob sa isa’t-isa. Pagpinairal ang PRIDE, wala ito mararating. Lalala lang ang sigalot, magdededmahan na lang lagi.

Ganito ang nangyari sa atin dalawang bida. Nagkaroon sila ng samaan ng loob. Pero instead na mag usap para magkaunawaan. Mas pina iral ang pride. Naguusap lang dahil sa trabajo. Pero pag walang kinalaman sa trabajo, akala mo ay estranghero sa isa’t isa sa pagdededma.

Saan sila dadalhin ng mga pride nila…

~~~~~
Chapter 1

Umuwi si Maya sa kanila sa bisperas ng pasko. Doon siya magpapasko para makapiling ang pamilya niya at makapag isip-isip din sa nangyari sa kanila ng Sir Chief niya.

Samantala si  Sir Chief, di man niya ipahalata pero deep inside nangungulila siya kay Maya. Kung siya lang ang masusunod ayaw niya ito pauwiin. Gusto niya ito makasama sa araw ng Pasko. Akala niya masaya ang paskong ito, pero nagkamali siya. Nangungulila siya kay Maya. Wala pa naman 24 hours na nawawala si Maya. Pero pakiramdam niya ang tagal tagal na nito nawawala. 

Di lang niya maamin pero miss na miss na niya si Maya. Miss na niya ang kanilang kuwentuhan habang nagkakape sa veranda nila. 

Hay Maya…anu ba itong nangyari sa atin?  Bulong ni Sir Chief sa sarili niya. Habang nakatingin sa panyo bigay ni Maya sa kanya.

Sir Richard, gusto po ninyo ng kape?

Juice na lang Sabel. Salamat.

Parang walang gana uminom ng kape si Richard. Kasi di si Maya ang gagawa noon. Bulong ni Sabel sa sarili niya.

Manang Fe, kakaiba ang peg ni Sir Richard  ngayon. Ayaw niya ng kape. Orange juice ang pinatimpla sa akin.

Sundin mo na lang ang sinabi sa yo ni Ricardo.  Nanginiti si Manang Fe parang alam na niya ang dahilan kung bakit ayaw nito ng kape.

Kinagabihan abala ang lahat sa mansion sa paghahanda ng Noche Buena. Nag tumawag sa telephone si Donya Esmeralda.

Hello, mama. Sige po. Bye ma. Guys mag skype daw tayo gusto kayo makausap ng lola at lolo ninyo.

Yehey!!!  kids say in unison. 

Manang Fe, Sabel at Joma sumunod na rin kayo sa opisina ko.

Sige Ricardo susunod kami. Tapusin lang namin ito.

Sa loob ng opisina…

Merry Christmas lola and lolo…sabi ng mga bata.

Merry Christmas Ma and Pa.

Merry Christmas din sa inyo Lahat diyan. Kamusta na kayo mga apo.

We’re fine po. 

Lola I sing in our christmas party in the school. Yaya made me drink iced salabat para daw gumanda ang boses ko tulad ni Sarah G.

Upon hearing Abby’ remark,  muling nakaramdam ng lungkot si Ricardo. Naisip na naman niya si Maya. Hinayaan muna ni Richard makipag usap ang mga bata sa mga magulang niya. 

Samantala kina Maya….

Di makapaniwala sina Mamang at Nanay Teresita sa nakita nila. Akala nila ay nanaginip lang sila. 

Mamang, Nay…..sabay akap sa mga ito….

Maya?

Mamang….

Ay ang apo ko nga….

Hindi makapaniwala nasa harapan nila si Maya. Makikita sa mukha nila ang kasiyahan makita si Maya. Humingi ng tawad si Maya sa nanay at mamang niya.

Nay, Mamang patawarin po ninyo ako. Nagsinungaling po ako sa inyo lahat. Di po ako natuloy sa Dubai. Naloko po ako, ayoko po bumalik dito sa atin na walang napapatunayan. 

Meron po ako nakilala sa eroplano si Don Julio. Binigyan niya ako ng trabaho sa airport. Janitress po. Pero di po ako nagtagal sa trabaho  iyon dahil nakilala ko po si Mr. Lim.

Si Mr. Lim po siya po ang tumulong sa akin para matupad ang pangarap ko maging stewardess. Kinuha po niya ako maging yaya ng mababait niya anak lalo na iyon bunso si Abby. Pinag -aral po niya ako. Dalawang taon po ang usapin namin dalawa. Bago ako umalis sa kanila, sa panahon yan tiyak handa na si Abby. 

Siya ba iyon nagpahiram sa yo ng pera para mabayaran iyon 3 buwan delay natin sa interest sa bahay?

Opo mamang siya nga po.

Aba eh mabait nga ang amo mo.

Mabait talaga mamang. Nay, galit po ba kayo sa akin? Bakit di po kayo nagsasalita dyan? Nay, kung gusto ninyo ako paluin sa puwit ok lang po.

Anak, hindi ako galit sa yo. Nagtatampo oo kasi naglihim ka sa akin, sa amin lahat. Teka alam ba ito ni Cristina Rose?

Opo Nay, alam po ni Kute na nasa Manila po ako. Noon nga po lumuwas siya noon sa Mansion siya tumigil. Doon siya pinatira ni sir Chief. 

Eh Simon at Jeff, alam din ba?

Opo, mamang. Aksidente lang ang pagkakatuklas ni Simon. Nakita po kasi niya ako nagpunta sa opisina nina Kute noon. Ayun sinundan niya ako…..si Chief nga po pala din ang tumulong kay Kute para makapag barko noon.

Ibig mo sabihin ‘nak, iyon pinaluto ni Cristina Rose na kare-kare at suman pinadala niya kay Simon noon para sa yo iyon?

Opo. Alam kasi ni Kute miss na miss ko na kayo. Kaya po naisipan niya ako padalhan. Alam ba ninyo “Nay gustong gusto ng anak ni Sir Chief lalo na si Nikki ang gawa ninyo suman. At si Sir Chief gustong -gusto niya ang kare-kare ninyo. Paborito rin po kasi niya ang kare-kare eh.

Natutuwa ako anak at mababait ang amo mo sa iyo. Sa nakikita ko sa yo at kuwento mo alam ko masaya ka sa kanila. Napamahal na sila sa yo.

Ay opo ‘Nay. Mahal na mahal ko silang lahat. Lalo si 

Sir Chief mo?

Mamang, anu ba yan sinasabi mo. Si Abby po. Baby ko po iyon. Alam ba ninyo dati hindi iyon nakakapag salita. Pero dahil sa pagmamahal na pinadama namin sa kanya. Unti-unti na siya nakapagsalita. Ngayon ang daldaldal na niya.

Maya, apo meron ka ba picture dyan ng amo mo?

Opo mamang. (sabay kuha ng celphone at pinakita sa mamang niya). 

Aba ang guapo naman nitong amo Maya….

Opo mamang guapo talaga si Sir Chief. Siya si daddy pogi at daddy bango. Atsaka, siya ang the best in the whole world – the best daddy, the best boss, the best cru….sabay tuptop sa bibig niya.

Crush mo si Sir Chief na ito ano?

Mamang naman….

‘Nay, tama na nga yan. Halika ka nga dito anak. Paakap ako sa yo. Hay ang bunso ko ang laki laki na. Marunong na magka crush.

Nay naman eh.

Anak, wala masama sa pagkakaroon ng crush.

Eh nay paano po pag nalaman niya crush ko siya. 

Oh eh anu naman kung malaman ng Sir chief mo na crush mo siya?

Hindi po ba nakakahiya….

Anak basta wala ka ginagawang masama. Ayos lang iyon. Sa guapo ni Sir chief, bulag lang ang hindi magkaka gusto sa kanya.

Nagtawanan silang tatlo.

Hay naku mamaya na nga tayo magkuwentuhan. Kumain muna tayo at kanina pa ako takam na takam dito sa putok batok na ito. 

Mamang, bawal yan sa inyo ha, pati sau ‘Nay. Pero dahil pasko pagbibigyan ko kayo ngayon.

Merry Christmas anak

Merry Christmas apo

Merry Christmas din po Nay, Mamang…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s